Ipinahayag ng Biden-Harris Administration ang Handang Magagamit na $100 Milyon sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act para sa Environmental Justice Grants

WASHINGTON – Sa araw na ito, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagpahayag na may handang magagamit na humigit kumulang sa $100 milyon para sa mga proyektong magpapasulong sa environmental justice sa mga di masyado napaglilingkuran at hirap na hirap na mga komunidad sa buong bansa. Ang pagpopondong ito, na naging posible sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act ni Presient Biden ay makasaysayang naglalaan ng pinakamalaking halaga para sa environmental justice grant na pagpopondo na di pa kahit kailan naipagkaloob ng agency. Naglathala ang EPA ng dalawang Request for Applications (Kahilingan para sa Mga Application) para sa pagpopondong ito sa pamamagitan ng Environmental Justice Collaborative Problem-Solving (EJCPS) Cooperative Agreement Program and the Environmental Justice Government-to-Government (EJG2G) Program.  

“Mula pa noong unang araw, nangako si President Biden na bibigyan nito ng priyoridad ang environmental justice at pagkakapantay-pantay ng lahat, at ang EPA ang nasa gitna ng paghahatid ng misyong ito,” sinabi ni EPA Administrator na si Michael S. Regan. “Noong isang taon, aming ipinahayag ang kauna-unahang opisina ng pambansang programa ng EPA na nakalaan para sa pagpapasulong ng environmental justice, na pinapahalagahan ang aming pananagutan sa kritikal na trabahong ito. Lubos kong ipinagmamalaking ipahayag ang isang di pa nagagawang antas ng pagpopondo salamat sa Inflation Reduction Act ni President Biden para sa mga solusyon na batay sa komunidad na nagbibigay suporta sa mga di masyado napaglilingkuran at lubos na nahihirapang mga komunidad. Ito ay isang pangunahing hakbang na makakatulong mapatatag ang matitibay na ugnayan sa mga komunidad sa buong bansa at mas mailalapit tayo na mas maraming maisakatuparan ang isang mas makatarungan at patas na kinabukasan para sa lahat. 

Ang mga grant program na ito ay nagpapasulong pa lalo sa mga layunin ng Justice40 Initiative at Executive Order ni President Biden, ang Tackling the Climate Crisis at Home and Abroad, na namamahala sa 40 porsiyento ng mga pangkalahatang benepisyo ng ilang mga Pederal na pamumuhunan na dumadating sa mga sobrang nahihirapan na mga komunidad na humaharap sa di makatarungang matataas at salungat na mga epekto sa kalusugan at mga epekto sa kapaligiran. 

The Environmental Justice Collaborative Problem-Solving Program (EJCPS) Cooperative Agreement Program 

Ang EJCPS Program ay nagkakaloob ng tinatantiyang $30 milyon na pagpopondo na direktang mapupunta sa mga non-profit na organisasyon na batay sa komunidad (at mga partnership sa mga organisasyon n aito), na may $5 milyong nakareserba paa sa maliliit na non-profit na organisasyon na batay sa komunidad na may lima o mas kaunting mga full-time na empleyado. Sa total, inaasahan ng Agency ang pagpopondo na humigit-kumulang sa 50 mga gantimpala na $500,000 at 30 gantimpala na $150,000.  

Ang EJCPS Cooperative Agreement Program ng EPA ay nagkakaloob ng pinansiyal na tulong sa mga karapat-dapat na organisasyon na nagtatrabaho o nagpaplano na magtrabaho sa mga proyekto upang matugunan ang lokal na mga isyu sa kapaligiran at/o pampublikong kalusugan sa kanilang mga komunidad. Ang program ay tumutulong sa mga tumatanggap na magtatag ng nagkakaisang partnership sa iba pang mga stakeholder (hal. mga lokal na negosyo at industriya, lokal na gobyerno, mga medical service provider, academia, atbp.) upang makapag-develop ng mga solusyon na lubos na makakatugon sa mga isyu sa kapaligiran at/o pampublikong isyu sa kalusugan sa lokal na antas. 

Ang Environmental Justice Government-to-Government (EJG2G) Program  

Ang EJG2G Program (na dating kilala bilang State Environmental Justice Cooperative Agreement program) ay magkakaloob ng tinatantiyang $70 milyon sa pagpopondo. Mula dito, ang $20 milyon ay para sa mga gobyerno ng Estado upang magamit ito kasama ng mga kapartner na Community-Based Organization (CBO), $20 milyon ay para sa lokal na pamahalaan kasama ng mga CBO partner, $20 milyon para sa Federally Recognized Tribal Nations kasama ng mga CBO partner, at $10 milyon ay para sa mga teritoryo ng Estados Unidos at mga remote tribe na may limitadong access sa mga CBO partner. Sa total, inaasahan ng Agency ang humigit-kumulang na pagpopondo na 70 proyekto na hanggang $1 milyon bawat isa para sa 3 taon na proyekto.   

Ang EJG2G Program ay nagtatrabaho para suportahan at/o lumikha ng mga modelong aktibidad ng estado na mamumuno sa malalaking mga resulta sa kapaligiran o kalusugang pampubliko sa mga komunidad na di makatarungang nahihirapan dulot ng mga panganib at peligro sa kapaligiran. Ang mga modelong ito ay dapat magbigay ng tulong o makakagamit ng mga kasalukuyang dulugan o asset ng mga ahensya ng estado upang makapag-develop ng mga pangunahing tools at proseso na isinasama sa environmental justice ang mga konsiderasyon patungo sa mga gobyerno ng estado at mga programa ng gobyerno. 

Sa ilalim ng parehong EJCPS at EJG2G program, ang EPA ay magbibigay ng espesyal na konsiderasyon sa mga sumusunod na area na pagtutuunan ng pansin: 

  • Mga proyektong tumutugon sa pagbabago ng klima, mabilis na pagbangon sa kaganapan ng isang likas na sakuna, at/o paghahanda sa isang emergency  
  • Ang mga proyektong matatagpuan sa at/o nakikinabang sa mga rural na area  

Mga proyektong nagsasagawa ng Health Impact Assessments (HIA)  (Sa ingles)  

Ang mga aplikante na interesado ay dapat mag-sumite ng mga namungkahing package sa pagsapit o bago ang Abril 10, 2023, upang maikonsidera sa handang magagamit na pagpopondo. Ang mga aplikante ay dapat mag-plano sa pagsisimula ng mga proyekto sa Oktubre 1, 2023. 

Ang pagpopondong ito ay magtatatag sa higit pang pondo mula sa American Rescue Plan. Noong Disyembre 2021, ang EPA ay pumili ng 154 mga organnisasyon upang makatanggap ng total na humigit kumulang sa $18.4 milyon sa environmental justice grant funding.

Plano ng EPA na ipahayag ang isang dagdag na environmental justice grant competition, na lubos na ginagamit ang mga dulugan ng IRA, sa umpisa ng taong 2023 upang makapagtatag ng isang network ng mga grant-maker sa kabuuan ng Estados Unidos upang mapadali ang awarding assessment, pagpaplano, at project development grants sa mga komunidad at sa mga kapartner nito. 

Mga Webinar Bago ang Application 

Ang EPA ay mamumuno sa mga webinar ng tulong bago ang application upang masagot ang mga tanong ng mga posibleng aplikante tungkol sa proseso ng EJ grant. 

Upang makadalo sa unang webinar sa Enero 24, 2023 na nakatuon sa EJCPS, magparehistro dito. (Sa ingles)

Upang makadalo sa ikalawang webinar sa Enero 26, 2023 na nakatuon sa EJG2G, magparehistro dito. (Sa ingles)   

Lubos pang makakuha ng impormasyon tungkol sa environmental justice grant funding. (Sa ingles) 

Lubos pang impormasyon tungkol sa Inflation Reduction Act. (Sa ingles)